Pinagbantaan ni Pascual Baylon, ang manugang nitong lalake
na si Raymund Suarez, 26 anyos, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Manocmanoc,
Boracay, Aklan, sa pag-uusap nila sa cellphone.
Nang tumawag ang lalake sa kanyang asawa sa Brgy.
Laguinbanwa West, Numancia, Aklan, nagulat na lamang ito nang ang biyenan
nitong lalake ang sumagot. Ninais nang nasabing biyenan na makausap ang nanay
ng lalake. Habang nasa gayoong pag-uusap, nagbitaw ng mga pagbabantang mga
salita ang suspek sa lalake at pinagbawalang bisitahin ang asawa nitong buntis
sa nabanggit na lugar.
Minabuti namang ipina-blotter ng biktima ang nasabing
pagbabanta sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
No comments:
Post a Comment