Kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas ng mga pagdayo ng mga
Singaporean at Malaysian sa Region VI particular sa Isla ng Boracay sa
nakaraang dalawang buwan. Ito ay matapos nagsagawa ng kauna-unahang Western
Visayas Tourism Business Mission sa Singapore at Malaysia ang mga delegasyon
mula sa nasabing rehiyon. Kinabibilangan ng LGU-Malay, Aklan; LGU-Guimaras; LGU
Negros Occidental; DOT Region VI at ilang kinatawan ng pribadong sector ang
delegasyon.
Ayon sa ulat na inilabas ng Department of Tourism (DOT)
Region VI sa medya, sa paunang ulat mula Enero hanggang Setyembre nitong taon
ang mga dayuhang Sinagaporean sa rehiyon ay halos umabot na sa 14 libo ay
nagpapakita ng 79.90% na pagtaas samantalang ang huling ulat ng Boracay ay
aabot na rin ng 20 libo na kung saan 99.72% ng pagtaas ng parehong nabanggit na
nasyonalidad sa parehong period ng nakaraang taon. Samantala, ang pagdayo ng
mga Malaysian sa rehiyon ay nasa 162% pagtaas na may humigit 12 libong bisita
samantalang sa Boracay ay 187.52%
pagtaas na may halos 12 libong bisita.
Ayon kay Atty. Helen Catalbas, Department of Tourism (DOT)
Region VI Director, sa loob ng Agosto hanggang Setyembre, 2014, ang rehiyon ay
nakakuha ng 11.92% pagtaas na may humigit dalawang libong Singaporean na mga
bisita sa Boracay lamang. Ito ay nagbigay sa rehiyon ng 3.18% pagtaas sa
paunang ulat. Sa kabilang banda, ang mandarayong
Malaysian sa rehiyon ay umabot ng 180.59% na pagtaas na may 3, 064 na mga
bisita sa Boracay na tumaas ng 210.12% sa bilang ng nakaraang taon. Masasabi na
ang unang pangkat ng mga dayuhang Malaysian ay bunga ng napagkasunduang
pagtatayo ng negosyo ng nasabing nasyonalidad sa Isla sa isnagawang transaksiyon
ilang linggo lamang ang nakaraan.
Pahayag pa ni Catalbas na ang mga kinatawan ng lokal na
pamahalaan na pumuntang Singapore at Malaysia ay nagbigay daan sa mga bansang
ito na magtayo ng kanilang negosyo sa Western Visayas ayon sa pinagkasunduan na
magtatagal hindi baba apat hanggang limang taon. Dagdag pa niya na ang rehiyon
ay isang magandang lugar at ligtas para sa mga mandarayo at mainam para sa
pagtatayo ng mga negosyo.
No comments:
Post a Comment