Nilooban ng mismong katulong kasama
ang dalawang iba pa ang tindahan ni Antoinet Gervacio, 32 anyos sa So. Tambisaan, Brgy.
Manocmanoc, Malay, Aklan at kinuha ang ilang mga paninda nito.
Ayon sa nakasaksi na si Marvin Gervacio,
pinsan ng biktima na ninakaw ng kanilang katulong na si Raymund Magayon, 25 anyos at tubong Oriental Mindoro kasama
si “Joniel” at isa pang hindi nakikilalang suspek ang mga paninda nila. Agad
naman tumakas ang mga suspek sa hindi pa nalalamang direksyon dala ang hindi
rin nalalamang halaga ng paninda.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng mga
Boracay PNP na cable wire lamang ang ginawang panggapos sa pintuan ng tindahan
kaya madali itong napasok ng mga suspek.
Kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga
kapulisan ang mga nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment