Thursday, October 30, 2014

Lalake sinaksak; suspek kulong

BORACAY, AKLAN--Duguan at sugatan nag biktima na si Archival Maming, 18 anyos matapos saksakin ng makalawang beses sa kanang bahagi ng kanyang dibdib at sa kanang itaas na bahagi ng kanyang likod. Kinilala ang suspek na si Elvin Marote, 21 anyos. Nagyari ang insidente kaninang madaling araw sa So. Manggayad, Brgy. Manocmanoc, Boracay, malay, Aklan.


Ayon sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station, naglalakad ang biktima kasama ang dalawa nitong pinsan sa may harap ng isang minimart sa nabanggit na lugar nang makasulubong nito ang susspek kasama ang isa pa na kinilala kay Oliver Casidsid, 19 anyos. Hindi nila na malayan na habang patuloy sila sa paglalakad ay sinundan sila ng huling suspek at sa kung anong dahilan ay sinuntok nito ang biktima.

Nagsuntukan ang mga ito hanggang sa nilapitan ng unang suspek at doon na sinaksak ng makalawang beses ang biktima. Sinubukan pang awatin ng isa sa pinsan ng biktima ang pangyayari pero wala na itong nagawa.

Samantala, nahuli sa kasagsagan ng insidente ng mga kapulisan ang suspek, samantala ang isa nitong kasama ay pinaghahanap pa ng kapulisan matapos makatakas.

Mga kamag-anak abala sa paglilinis ng puntod ng kanilang mga yumao sa buhay

Abala ang maraming tao sa dalawang sementeryo sa Isla ng Boracay--Balabag at Manocmanoc cementery, sa paglilinis ng mga puntod ng kanilang mga mahal na yumao na sa buhay. Mayroon naring nagtitirik ng kandila sa mga puntod. Pailan-ilang pumapasok ang mga tao sa mga nabanggit na sementeryo.

Pahayag ng isa sa mga naglilinis na nakapanayam ng Radio Birada "ngayon lang kami naglilinis kasi kung lilinisan mo mga ilang araw bago ang undas ay marurumihan parin".

Magkakaroon din ng misa sa Balabag Catholic Cemetery 2:00 ng hapon.

Sa ngayon wala pang mga nakitang naka-deploy na mga pulis sa mga nasabing sementeryo, subalit aasahan na magduduty ang mga ito bukas.

Maraming hindi nababakunahan, at kakulangan sa facility-based delivery suliraning kinakaharap ng Aklan--DOH

Si Dr. Convocar, Region VI Director ng DOH tinatalakay ang MDGs,
mga kalahok sa policy forum pinagtutuonang mabuti ang usapin.
Nagdaos  ang DOH Region VI ng health policy forum kasama ang mga pinuno-lokal ng pamahalaan sa Poblacion, Malay, Aklan ngayong araw. Layunin nito na mapagtuonan at mabigyang tugon ang isinusulong na Millenium Development Goals (MDGs) 4, 5, at 6—mababaan ang kaso ng panganganak sa hindi tamang edad; pangalagaan ang kalusugan ng mga ina; at sugpuin ang HIV at AIDS, TB, Malaria, at iba pang mga sakit. 

Ayon sa ulat ni Dr. Convocar, pangunahing kinakaharap na suliranin ng probinsiya ng Aklan ang marami pang hindi nababakunahang mga kabataan at facility-based na panganganak.

Samantala, sa espesyal na panayam ng Radyo Birada kay Harold Alfred Marshall, Region VI Director ng Population Comission na nangunguna ngayon ang rehiyon sa tumataas na bilang ng teen-age pregnancy sa Pilipinas pinakabata rito ang 10 taong gulang. Kaya naman ito ang naging isa sa mga pangunahing talakayan sa mga kabataan sa idinaos na KP roadshow.

DOH naglunsad ng KP Roadshow sa Aklan

MALAY, AKLAN--Matagumpay na inilunsad ng Department of Health (DOH) Region VI ang DOH on Wheels: Kalusugan Pangkalahatan ngayong araw sa Poblacion plaza ng munisipyo ng Malay, dito sa probinsiya ng Aklan. Nilayun ng programang ito na maabot ang mga mamamayang wala pa sa kanilang kabatiran ang mga pagkakataon-pangkalusugan na ibinabahagi ng DOH.

Ayon pa kay Dr. Mary Pauline Gestosani, DMO V,  Aklan, “This is the best KP roadshow in Western Visayas”.

Si Congressman Teodorico T. Haresco Jr. (dulong kanan), sa kanyang mensahe
sa panimulang programa ng Health Fair: DOH on Wheels.
Dinaluhan ito ng mga tauhan mula sa DOH region VI, provincial, at local level; mga kinatawan ng Population Commission (POPCOM); mga mayor o kinatawan ng iba-ibang bayan sa nabanggit na lalawigan; mga kinatawan ng Philhealth; red cross; mga media; at taumbayan.

Naging pangunahing panauhin sa programang ito sina Congressman Teodorico T. Haresco; at Bise Goberandor Bely C. Quimpo; at Dr. Marly W. Convocar, Regional Director ng DOH.

Pagkatapos ng maikling panimula nagpatuloy ang programa sa pagbibigay edukasyon, ilang libreng serbisyo medikal sa taumbayan na hinati sa magkakahiwalay na istasyon—kababaihan; kalalakihan; matatanda; at kabataan.

Wednesday, October 29, 2014

Most wanted criminal sumuko sa kapulisan

Sumuko sa mga kapulisan ang rank no. 20 most wanted criminal person sa bayan ng Malay na si Laurito Magan y Malaluan, 54 anyos, karpentero, at tubong Masanag, Caluya, Antique.

Personal itong sumuko sa mga kapulisan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Unjust Vexation na ipinataw ni Hon. Marbibel De Guia-Cipriano ng 6th Judicial Region 5th MCTC, Buruanga-Malay, noon pang ika-20 ng Nobyembre, 2013 na may piyansang P4, 000.00.

Ngayon ay nasa kulungan na ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang nasabing lalake.

Tuesday, October 28, 2014

2 Australian national ninakawan

Biktima na naman ng pagnanakaw ng hindi pa nakikilalang suspek ang dalawang Australian national na sina Marco Hoffmann, 37 anyos at Allister Bevege, 36 anyos sa Brgy Manocmanoc, Boracay, Aklan.

Ayon sa mga ito, iniwan nila ang kanilang mga gamit sa poste ng life-guard upang maligo. Pagkaraan ng isang oras, pagbalik nila nalamang bukas na ang bag at wala na ang ilan sa kanilang mga gamit. Kabilang sa mga nakuha sa kanila ang cellphone; dalawang wallet na may lamang tig-iisang ATM card; at pera na humigit P7, 000.00.


Iniimbestigahan pa ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang nasabing kaso.

3 bakasyunista ninakawan sa loob ng inuupahang resort

Panibagong biktima na naman ng pagnanakaw ang tatlong bakasyunista mula Zamboanga City dito sa Isla ng Boracay. Nanakawan ang biktima sa loob mismo ng kuwarto sa isang resort na tinutuluyan nila  sa Sitio Manggayd, Balabag, Boracay, Aklan kahapon.

Ayon sa mga biktima, ipinatong nila ang kanilang mga gamit sa mesa sa loob din ng kuwartong tinutulugan nila. Laking gulat na lamang nila nang kinabukasan ay wala na ang kanilang mga gamit. Nakita na ang bintana at ang pintuan ng nasabing kuwarto ay bukas na.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station napag-alaman na dumaan sa bintana ang suspek. Wala naman daw napansin ang attendant sa entrance ng resort na kahinahinalang pumasok sa lugar.

Samantala nakita naman ng isang stay-in construction worker ang mga gamit ng mga biktima subalit wala na ang cellphone at humigit kumulang P5, 000.00 na pera.

Sa patuloy na imbestigasyon ng nasabing police station ang kasong ito.


Lalake binugbog ng 2 Muslim


Sugatan ang mata at ilong ng biktimang kinilala kay Christopher Paelry, 20 anyos, matapos bugbugin ng dalawang lalakeng suspek na sina Dan Dan Duale, at Bebams Duale, kaninang madaling araw sa sa isang billiard hall sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon sa biktima, nagkaroon umano siya ng pagtatalo sa dalawa at binugbog siya dahilan upang magkaroon ng pamamaga ang kanyang mata at ang ilong.
Agad namang isinugod sa lokal na ospital ang biktima.


Samantalang nasa imbestigasyon pa ng mga kapulisan ng Boracay ang nasabing kaso.

Monday, October 27, 2014

American at Australian national ninakawan habang naliligo sa dagat


Nanlumo ang magkasamang American national na si Katherine Vuchta, 28 anyos, at Australian national na si Andrew Nguyan, 25 anyos, parehong walang asawa, matapos manakawan ng kanilang mga mahahalagang gamit ng hindi pa nakikilalang suspetsado.

Ayon sa dalawa, iniwan nila ang kanilang mahahalagang gamit sa tabing-dagat upang maligo madaling araw ngayon. Gayun na lamang ang kanilang paghihinayang nang malamang wala na roon ang kanilang mga gamit sa lugar na pinag-iwanan.

Ilan sa mga nakuha sa American national ay digital camera; pitaka na may dalawang credit cards; perang 100 US dollar at P5, 000.00 national; samantala nakuha naman sa Australian national ang kanyang camera; pitaka na may lamang P600 at drivers license.
Sinubukan nilang hanapin ang mga ito subalit bag nalamang ng lalake ang nakita subalit wala na itong laman.

Nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng Boracay police ang nasabing kaso.

Malaysian national ninakawan; suspek huli


Huli sa pagnanakaw ng bag ang suspek na si Raymund Flores , 30 anyos, tubong Nabas, Aklan ng waiter ng resort na tinutuluyan ng biktima. Ang bag ay pagmamay-ari ng Malaysian national na si Chan Chut Lweng, lalake, 55 anyos.

Naglalaman ang bag ng 2 camera; Samsung S2 phone; Samsung Note 3 phone; pitaka; credit cards; 260 US dollars; 300 Ringgit; at P1150.00.


Naibalik naman sa biktima ang bag at nasa kulungan na ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC police station ang suspek.

Thursday, October 23, 2014

Motorcycle driver binugbog ng lasing


Binugbog ng isang lasing ang driver ng motor na nagngangalang Jose kaninang madaling araw sa Balabag Plaza, Boracay, Malay, Aklan. Kinilala ang suspek na si Marlon Taran, nasa legal na edad.

Ayon sa salaysay ng biktima, nagtatawag ng pasahero sa nasabing lugar, lumapit ang suspek kasama ang isang lalake na gustong sumakay. Dahil nalaman ng biktima na lasing ang suspek at hindi madala ang kanyang sarili, tumanggi  ang biktima na pasakayin ito.

Nagalit ang suspek at sinampal siya ng makalawa sa kanyang mukha. Hindi pa nakuntento ang suspek at pinagsusuntok pa niya ito sa iba-ibang bahagi ng katawan. Nagbitaw rin ng pagbabanta ang lalake: “barilon ta karon 000 kaw dalagan kaw.”
Nawalan din ng pera ang biktima dahil sa paghablot sa kanyang jacket.


Nasa ilalim pa ng follow-up investigation ang nasabing kaso ng kapulisan ng Boracay.

Tuesday, October 21, 2014

Zero Crime sa Darating na Undas—Malay PNP

Magdadagsaan na naman ang mga kababayan nating magbabakasyon upang magdiwang ng papalit na undas sa kanikanilang lugar. Inaasahan din ang pagdami ng turista sa araw mismo ng undas lalo na sa Isla ng Boracay. Kaugnay rito nagpahayag ang Malay PNP na paiigtingin nila ang seguridad at proteksiyon ng mga taumbayan at mga turistang labas-masok.

“Zero crime,” ito ang pahayag ng police information officer ng Malay PNP na si PO3 Ernesto T. Lomedo, sa darating na undas. Magtatalaga sila ng mga babantay kasama ang ibang alagad ng batas sa dalawang sementeryo sa Malay, sa Caticlan duty port, paliparan, daungan ng RO-RO, at sa ilang parte ng kalye.

Nagbigay rin ng abiso si PO3 Lomedo sa mamamayang lalabas upang dumalaw sa puntod ng kanilang mga yumao sa buhay na siguraduhing nakandadong maigi ang mga pintuan ng bahay. Paalala rin na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok o pagdala ng mga patalim at armas, at mga nakalalasing na mga inumin sa loob ng sementeryo.

Maglalagay rin sila ng information booth sa mga semeteryo ng Malay para sa mga kababayan nating kakailanganin ang tulong ng pulis sa panahon ng undas. Para sa mga sakuna at impormasyon makipag-ugnayan lamang sa kanilang hotline number 288-8778; o 0998-9777-425.


Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang Oplan Katok ng Malay PNP doon sa mga naghahawak ng baril na expirado na ang lisensiya. Nasa listahan nila umano ang mga taong personal na pupuntahan upang paalalahan na magpanibago na ng lesensiya upang legal parin ang paggamit ng mga ito.
Apat na Lalake na Nanggulo sa Bar, Kulong

Umabot sa P30, 000.00 ang halagang nasira at kawalan ng isang bar matapos magkaroon ng iskandalo ang apat na kalalakihang pumasok dito sa Station 2, Brgy. Balabag, Malay, Aklan.

Ayon sa blotter entry ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), apat na mga lalakeng suspek ang pumasok sa isang bar na gumawa ng iskandalo sa naturang bar na nakadisturbo sa mga bisita. Sinubukan namang awatin ng bouncer ng bar na si Jervie Prado, 30 anyos, ang mga suspek subalit hinabalos ito ng botelya ng isa sa mga suspek dahilan ng pagdugo nito.

Pinagtulungan naman ng mga customer na bugbugin ang mga suspek na nagdulot din ng mga sugat sa kanila at nakedetene na ngayon sa police station ng Boracay matapos maipagamot sa lokal na ospital.

Kinilala ang mga supek kina Randy Conanan, 22; Roy Menguez, 20; Leonard Paderol, 20 at; Kenneth Gara, 30.

Ang nasabing kaguluhan ay nagdulot ng pagkatakot sa ilan sa mga customer kay ilan sa mga ito ang lumabas at hindi na nakapagbayad pa. Nasira din ang iba pang mga gamit particular ang shisha, at mga bote ng beer.
Rusian National Ninakawan; Suspek Kulong

Bagsak sa kulungan ang suspek na nagngangalang Daryl Hilario, 29 anyos, tubong Kalibo, Aklan matapos magnakaw ng bag ng isang Rusian national na kinilala naman kay Anton Dukhonovniy, lalake, 32 anyos.

Ayon sa biktima hapon kahapon nang iwanan niya ang kanyang bag sa tabing-dagat upang maligo kasama ang asawa sa Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan. Nang makaahon na ito’y wala na ang nasabing bag. Agad namang itinuro ng nakakita ang suspek na patakbong palayo na agad na hinabol ng biktima at nakuha sa kanya ang ninakaw.


Napag-alaman na dati na ring nakulong ang suspek dahil sa tangkang pagpatay.

Sunday, October 19, 2014

Lalake Binato ng Dalawang Arabian National

Binato ng bote ang walang malay na lalake na nagngangalang Arnel Bediones, 26 anyos, resedente ng Brgy. Manocmanoc ng dalawang Arabian National. Natamaan ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo dahilan na ito ay nasugatan.

Kinilala ang mga suspek na sina Alnughaymish Ahmed Khalid A, 31 anyos, at ang kanyang kasama na si Alshayee Khalid Othman, 31.

Anyos sa blotter entry na ipinarecord ng biktima, habang ito ay naglalakad pauwi kaninang madaling araw sa kanilang bahay, ng makarating sa harap ng isang coffee shop, bigla na lamang itong natamaan ng bote na inihagis ng mga suspek. Natamaan din ang wall glass ng coffee shop na inireklamo din ng may-ari. Hinabol naman ng biktima ang agad na tumakbong suspek matapos itong batuhin.

Hinamon naman ng biktima ang dalawa ng suntukan. Sugatan din ang mga suspek sa suntukan.


Nagkausap naman ang dalawang panig na ayusin ang kaso barangay justice system.

Dalawang Korean National Nawalan ng Bag

Nawalan ng bag ang dalawang Korean National habang naliligo sila sa dagat kahapon ng tanghali. Ang mga biktima ay kinilala kinaSuhyun Kim, 31 anyos, at Heeseok Yo, 31 at temporaryong naninirahan sa isang beach resort sa station 3, Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon sa ulat na ipinatala ng mga biktima sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), iniwan ng babae ang shoulder bag nito sa tabing-dagat upang maligo sa nasabing lugar. Pagkatapos it 30 minuto pag-ahon ng mga ito, nagulat na lang ang mga ito dahil wala na sa lugar ang kanilang bag.

Naghanap pa ang mga ito subalit hindi rin nila natagpuan.

Naglalaman ang bag ng Samsung  Galaxy II, Olympus digital camera, Samsung video camera, at pera at iba pang mga gamit.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang kasong ito.



Wednesday, October 15, 2014

“Tuwid na Daan” Poll Survey Hindi Umano Sumasalamin sa 4 Taon Administrasyong Aquino

Iginiit ng Malakanyang na hindi dapat bigyan-kahulugan ng nakaraang Pulse Asia Survey ang apat na taong administrasyon ni Pang. Benigno Aquino III kung saan nagpapakita na ang karamihan sa mga Pilipino ay sang-ayon na hindi natupad ni PNoy ang pangakong “tuwid na daan” slogan.

Ayon kay Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo na ang resulta ng survey ay hindi naman nangangahulugan na nabigo si Aquino sa paghikayat sa mga Pilipino sa kanyang slogan sa pagsugpo ng kurapsiyon sa mga nakaraang taon.

Giit pa ni Lacierda na ang Pulse Asia ay nagbigay lamang ng “snapshot” sa sentimyento ng taumbayan na naapektuhan ng mga usapin sa kasagsagan ng survey. Ilan rito ang tinuturong kurapsyon laban kay Bise Presidente Jejomar Binay at Philippine National Police Chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Nagpapakita ang inilabas na survey kamakailan lamang na 36% ng Pilipino ay naniniwalang  nabigo si Aquino sa pagtugon sa kanyang kampanya sa pagsugpo ng kurapsiyon sa bansa. 29% ng mga responde ay naniniwalang naisagawa naman ni PNoy ang pangakong “tuwid na daan”. Ang  nalalabing 34% ang hindi pa nakapagdesisyon.

Paliwanag ni Lacierda na ang bilang na hindi pa nakapagdesisyon ay mga Pilipinong “bukas ang isipan” sa patuloy na administrasyon ni Aquino.


Matatandaang, una rito naglabas ang Pulse Asia survey na nagpapakita na 48% ng mga Pilipino ay umaasa sa pagsugpo ng pamahalaan laban sa kurapsiyon.

Tuesday, October 14, 2014

Mga Turistang Singaporean at Malaysian Dumagsa sa Region VI—DOT

Kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas ng mga pagdayo ng mga Singaporean at Malaysian sa Region VI particular sa Isla ng Boracay sa nakaraang dalawang buwan. Ito ay matapos nagsagawa ng kauna-unahang Western Visayas Tourism Business Mission sa Singapore at Malaysia ang mga delegasyon mula sa nasabing rehiyon. Kinabibilangan ng LGU-Malay, Aklan; LGU-Guimaras; LGU Negros Occidental; DOT Region VI at ilang kinatawan ng pribadong sector ang delegasyon.

Ayon sa ulat na inilabas ng Department of Tourism (DOT) Region VI sa medya, sa paunang ulat mula Enero hanggang Setyembre nitong taon ang mga dayuhang Sinagaporean sa rehiyon ay halos umabot na sa 14 libo ay nagpapakita ng 79.90% na pagtaas samantalang ang huling ulat ng Boracay ay aabot na rin ng 20 libo na kung saan 99.72% ng pagtaas ng parehong nabanggit na nasyonalidad sa parehong period ng nakaraang taon. Samantala, ang pagdayo ng mga Malaysian sa rehiyon ay nasa 162% pagtaas na may humigit 12 libong bisita samantalang sa Boracay  ay 187.52% pagtaas na may halos 12 libong bisita.

Ayon kay Atty. Helen Catalbas, Department of Tourism (DOT) Region VI Director, sa loob ng Agosto hanggang Setyembre, 2014, ang rehiyon ay nakakuha ng 11.92% pagtaas na may humigit dalawang libong Singaporean na mga bisita sa Boracay lamang. Ito ay nagbigay sa rehiyon ng 3.18% pagtaas sa paunang ulat. Sa kabilang banda, ang  mandarayong Malaysian sa rehiyon ay umabot ng 180.59% na pagtaas na may 3, 064 na mga bisita sa Boracay na tumaas ng 210.12% sa bilang ng nakaraang taon. Masasabi na ang unang pangkat ng mga dayuhang Malaysian ay bunga ng napagkasunduang pagtatayo ng negosyo ng nasabing nasyonalidad sa Isla sa isnagawang transaksiyon ilang linggo lamang ang nakaraan.

Pahayag pa ni Catalbas na ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan na pumuntang Singapore at Malaysia ay nagbigay daan sa mga bansang ito na magtayo ng kanilang negosyo sa Western Visayas ayon sa pinagkasunduan na magtatagal hindi baba apat hanggang limang taon. Dagdag pa niya na ang rehiyon ay isang magandang lugar at ligtas para sa mga mandarayo at mainam para sa pagtatayo ng mga negosyo.
        


Monday, October 13, 2014

Cook Binaril sa Isang Bar sa Boracay

Nagpapagaling ngayon sa Kalibo provincial hospital ang biktima na si  Edward Mainay, 22 anyos, at cook ng isang resto bar sa Boracay, Aklan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek Oktubre 13, 2104. Sinubukan lamang nitong awatin ang isang grupo na nasa kasagsagan ng alitan sa nasabing bar, gayunpaman, napagdeskitahan ito at binaril.

Ayon sa guwardiya ng parehong resto bar na si Clayton Jay Rotao, banda 2:00 ng umaga nakita nito ang biktima na nakatayo sa harapan ng bar nang bigla may nakita itong alitan ng isang pangkat na bigla namang pinuntahan ng biktima upang awatin ang pangyayari. Bigla naman siyang nilapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki na bumaril sa kanya at natamaan sa kanyang noo.

Hindi umano nakita ng guwardiya ang lalaking bumaril. Para makailag ito, tumakbo siya papalayo kung saan nakarinig pa siya ng isa pang putok ng baril.


Nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng kapulisan ng Boracay ang nasabing kaso.

Magkasintahang Dayuhan, Ninakawan sa Isla ng Boracay

Dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang magkasintahang Richard Gornall, 26 anyos, taga-Inglatera, at ng babaeng si Siljie Hangaard, 23 anyos ng Norwegian na nagpablotter matapos manakawan.

Nakuha sa mga biktima ang mahahalagang gamit: digital wrist watch at balat na purse kasama ang Apple Iphone, Master Card, Php 3, 000.00.


Nakuha sa kanila ang mga nabanggit na gamit matapos na iwan ito sa tabing-dagat sa harap ng isang resort sa Isla ng Boracay.

Boat Crew, Huli sa Pagtutulak ng Droga

Bagsak sa kulungan si Reynaldo Suarez y Gliban, 33 anyos, at isang boat crew sa Malay, Aklan sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Malay Municipal Police station at ng Boracay Police Assistance Center, PAID-SOTG at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA sa Sitio Tabon, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan noong Oktubre 10, 2012.

Nakuha sa kanyang posesyon ang isang pakete ng hinihinalang shabu, isang pouch na naglalaman ng siyam na nakaselyadong plastic na naglalaman parin ng hinihinalaang shabu, pitong 500 peso bill na lahat ginamit bilang mark money, isang Cherry Mobile phone, isang Samsung cellphone na naglalaman ng mga hinihinalaang illegal na transaksiyon ng suspek, isang petaka, isang pouch, at dalawang I.D. na nakapangalan sa suspek.

Sinaksihan naman nina Pros. I Floshemer Chris Gonzales, kinatawan ng DOJ, Jhonny Ponce at Hon. Nikki M. Cahilig, kinatawan ng media at ng Barangay.

Ang nasabing buy-bust operation ay pinangunahan ni PO3 Edgar C. Moscosa, intelligence ng PNCO.

 Nasa kulungan na ngayon ng Malay Municipal Police station ang nasabing suspek.

Isang Hinihinalaang Bomba Natagpuan

Natagpuan ng isang ali na si Melda Selotero, ang isang hinihinalaang bomba sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan. Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga miyembro ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kasama ang mga miyambro ng Boracay Bomb Squad.

Natagpuan ang nasabing bomba na nababalutan ng dilaw na tape na nakita sa isang lugar malapit sa guard house ng Vargas Property. Ayon sa nabanggit na ali nakita niya umano ang improvised grenade sa bakanteng lote habang nagbubunot ito sa kanyang harden.


Kinuha ng Boracay Bomb Squad ang nasabing bomba at dinala sa kanilang himpilan upang sa pagsusuri at pag-alam at para sa kaukulang disposisyon.

Wednesday, October 8, 2014

Australian National Ninakawan sa Isla ng Boracay

Ninakawan ang isang Austarlian national na nagngangalang Warren Maurice Cowley, lalake, 42 anyos, sa isang Station 1, Brgy. Balabag sa Isla ng Boracay.

Ayon sa biktima, iniwan nito ang kanyang bag sa isang beach chair upang manguha ng litrato, gayunman laking gulat nito nang pagbalik niya wala na ang kanyang bag.

Naglalaman ang kanyang bag ng mga: kuwentas 24k nag into; Calvin Klein wrist watch; Ipad AIR; Samsung Galaxy Note III; Go-pro Hero 3; at pera na 300 Australian Dollar.


Inimbestigahan parin ang nasabing kaso ng Boracay Tourist Assistance Center.

Guwardiya Sinaksak ng Kapwa Guwardiya

Sa ospital ang bagsak ng guwardiya na si Tomas Berdonar y Ricopuerto, 42 anyos, matapos na saksakin ng dalawang beses ng hindi pa nakikilalang suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan banda 12 ng mdaling araw kanina habang ang biktima ay nasa kanyang trabaho bilang guwardiya sa Boracay minimart sa So. Ambulong, Boracay, Malay, Aklan, nang biglang lumapit ang suspek at nakiusap sa kanya na kung maari ay makitulog ito doon. Hindi naman nag-atubili ang biktima na payagan ito dahil sa kakilala niya ito.

Ang suspek ay dati ring guwardiya sa kaharap nitong resort sa nasabing lugar kung saan nagtratrabaho ang biktima.

Gayunman, habang ang biktima ay natutulog, banda 1:30 ng umaga sa parehong petsa nang sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima isa sa kanyang diddib at malalim na sugat sa kanang kamay nito. Pagkatapos ay madaling tumakbo ang suspek papalayo.

Ngayon ay nasa provincial hospital na ang biktima sa Kalibo, Aklan para sa karampatang lunas.

Samantala ang kasong ito ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.


Bus Nahulog sa Bangin sa Buruanga, Aklan

Nahulog ang isang Ceres bus sa bangin na may taas na 20 talampakan.
Larawang kuha ni Johnny Ponce.
Nahulog sa bangin sa Sitio Baga-as Buruanga, Aklan ang isang Ceres Bus na may plate no. na FW 699 na menamaneho ni Jonathan Villasoto kahapon Oktubre 8, 2014 ng alas-8 ng umaga. Sugatan naman ang sampung pasahero nito.

Ang bus ay biyaheng Iloilo patungong Buruanga. Habang binabaybay ng sasakyan ang national highway sa nasabing lugar, nawalan ng kontrol ang nabanggit na driver sa isang kurbadang lugar dahil sa ito ay madulas dahilan ng pagkahulog ng bus sa bangin na may tinatayang 20 talampakan ang lalim o taas.

Ang mga biktima ay isinugot naman sa bahay-pagamutan ng nasabing munisipyo para sa paunang lunas at ang ilan ay dinala sa Motag Hospital, Malay, Aklan at sa Provincial Hospital sa Kalibo, Aklan.


Ang mga biktima ay sina: Anita Tucio, 68 anyos; Adelina Pamating, 47; Lorenzo Casuncad; Luis Casuncad, 38; Aquilina Salibio, 73; Emerson Lister Dagohoy, 17; Artur Malicse, 51; Eddie Alvares, 66; Jenny Paclibar, 28; Madonna Careon.

Tuesday, October 7, 2014

Katulong Nilooban ang Tindahan ng Amo

Nilooban ng mismong katulong kasama ang dalawang iba pa ang tindahan ni Antoinet Gervacio, 32 anyos sa So. Tambisaan, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan at kinuha ang ilang mga paninda nito.

Ayon sa nakasaksi na si Marvin Gervacio, pinsan ng biktima na ninakaw ng kanilang katulong na si Raymund Magayon, 25 anyos at tubong Oriental Mindoro kasama si “Joniel” at isa pang hindi nakikilalang suspek ang mga paninda nila. Agad naman tumakas ang mga suspek sa hindi pa nalalamang direksyon dala ang hindi rin nalalamang halaga ng paninda.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng mga Boracay PNP na cable wire lamang ang ginawang panggapos sa pintuan ng tindahan kaya madali itong napasok ng mga suspek.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga kapulisan ang mga nasabing suspek.


Lalake Naaksidente sa Motor, Patay

Patay ang lalakeng kinilala kay Christian V. Cooper, 21 anyos, matapos na naaksidente sa motorsiklo sa Nabas, Aklan. Samantalang nagtamo naman ng kunting sugat ang driver ng motrosiklo at ang kasama pa niyang isa na backrider.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng mga kapulisan, ika-5 ng Oktubre 2014, habang binabay ng limang trabahante ng isang komponya sa Caticalan, Malay, Aklan ang national highway sa Brgy. Union sa nasabing bayan, nang biglang nasagasaan ng isang humaharurot na motorsiklo ang dalawa sa kanila na sina Rolly Tayco, 32 anyos, at si Herbert Hambre, 21 anyos na nagtamo lamang ng kunting sugat at idineklarang out-patient.

Samantala, pagkabangga ng mga ito sa mga biktima ay natumba rin ang menamanehong motorsiklo. Isinugod naman sa Aklan Baptist Hospital si Christian Cooper, back rider ng motorsiklo gayunman idineklara na itong patay pagkarating. Dinala naman sa Kalibo provincial hospital ng driver na si Jestoni Abelos, 20 anyos. Nagtamo naman ng kunting sugat ang isa pa nilang kasama na si Jomel Aron.


Napag-alaman na ang mga biktima ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin at ang driver nito ay walang naipakitang driver’s license.

Monday, October 6, 2014

Chinese National Biktima ng Pagnanakaw sa Isla ng Boracay

Ninakawan ng Cellphone Iphone 4 at Samsung S3 at pera na P2, 100.00 ang isang Chinese national sa isang beach resort, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Nakilala ang biktima na si An Ouyang, 47 anyos. Samantalang hindi pa nakikilala ang suspek na isang babae.

Ayon sa police blotter ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station, nang bumalik ang biktima galing sa paliligo bumalik ito sa kuwarto at doon na napag-alaman na nilooban ito.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa mga pumunuan ng resort upang mapanood ang kuha ng CCTV ng resort. At doon nga nakita na isang hindi pa nakikilalang babae ang pumasok sa kanyang kuwaro at kinuha ang mga nabanggit na mga pagmamay-ari ng biktima.


Ang kasong ito ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga pulis Boracay.

Taiwanes National Ninakawan sa Boracay

 Nagsumbong ang Taiwanes National sa tinutuluyan nitong apartment sa So. Tulubhan Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan, matapos na napag-alamang ninakawan ito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na banda 1:00 ng madaling araw ng Oktubre 6, 2014, ang biktima na si Guo Jin Chi, 36 anyos, na natulog ang biktima sa kuwarto, iniwan nito ang cellphone na Sony ZU 6.4 inches sa mesa at na pagkagising nito banda 7 ng umaga nagulat na lamang siya ng malamang wala na ang bag at cellphone nito.

Agad naman niyang ipinaalam sa may-ari ng apartment ang nangyaring insidente na agad namang humingi ng tulong sa mga kapulisan. Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang kapulisan sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Lumalabas na dumaan ang mga suspek sa CR dahil sira na ang bintana nito at natagpuan ang bag ng biktima sa labas na ng kuwarto.

Nakuha sa kanya ang nabanggit na cellphone.


Ang kasong ito ay patuloy pang iniembestigahan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station.

Sunday, October 5, 2014

Lalake Pinagsusuntok ng Lasing, Sugatan

Sugatan si Jason Bendo, 21 anyos, matapos itong pagsusuntukin ng suspek na kinilala kay Jestoni Tranca, nasa legal na edad, sa Puka Beach, Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon sa biktima, papauwi na ito sa bahay mula disco nang nilapitan siya ng suspek sa nabanggit na lugar ng walang kung anong dahilan at pinagsusuntok siya ng makailang ulit dahilan ng pagkasugat ng kanyang kaliwang mata.

Pagkatapos ng pangyayari, madali namang tumakbo ang suspek sa hindi nalamang direksyon. Napag-alaman na ang suspek ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin.
Minabuti naman ng biktima na ayusin ang kasong ito sa barangay.


Isang Boutique sa Boracay Niloonban, Mahigit P70K Ninakaw

OCT 3, 2014 / BORACAY, AKLAN—Sira na ang maion door at bukas na ang boutique ng datnan ng may-ari na si Redentor Perdonia, 37 anyos. Magbubukas na sana siya ng kanyang boutique sa Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan. Nagulat na lang siya ng mapag-alamang nilooban ito at nakuha ang mga paninda nito na nagkakahalaga lahat ng mahigit P74, 100.00.

Nakuha ng mga suspek ang 11 pares ng sapatos na Converse nagkakahalaga ng P11, 000.00; 7 G-shock na relo nagkakahalaga ng P7200; 5 Samsung Tablet—P35, 500; 2 Cherry Mobile cellphone—P11, 200; 11 pares ng T-shirt nagkakahalaga ng P7200 at ilang pabango.


Ayon sa biktima ang pinsan ng kanyang asawa ay natutulog sa nasabing boutique na si Lingoy. Gayunman ng dumating ang may-ari ay natutulog pa ito at nagsabing hindi nito napansin ang insedente.

Nasa ilalim pa ng inmbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center ang nasbing kaso,

Babae Sinuntok ng Lalake, Sugatan

Sugatan ang babaeng kinilala kay Marry Ann Gatacelo, 39 anyos, matapos bugbugin ng kapit-bahay nitong lalake na si Mark Albaro, nasa wastong gulang, sa So. Bolabog, Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Ayon sa blotter ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na ipinatala ng nasabing biktima, matapos nagkaroon ng pagtatalo sa dalawa ay bigla na lamang kumuha ang suspek ng kutsilyo at nagtangkang saksakin ang babae at sinuntok ito sa kanyang bibig na dahilan ng pagkasugat nito.


Ang kasong ito ay minabuting ipinadala sa hukuman ng Barangay.

Lalake Sinaksak ng Basag na Bote ng Kanyang Kainuman, Sugatan

Madaling isinugod sa lokal na ospital ang biktimang si  Cris Namayan, 22 anyos, matapos na saksakin ng basag ng bote ng kanyang kainumang suspek na si Hilberto Abayon, 39 anyos, sa Isla ng Boracay.

Base sa imbestigasyon, habang ang magkasamang biktima at suspek ay nag-iinuman at naglalaro ng baraha  kahapon Linggo sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Aklan, ay bigla nalamang nagkaroon ng alitan sa kanila. Biglang kumuha ng bote ng inumin ang suspek at nagtangkang hampasin ang biktima, gayunpaman nakailag ang biktima at sinuntok nito ang botelya dahilan upang ito ay mabasag.
Habang nasa ganitong ayos, dinampot ng biktima ang isang basag na buti at ipinagsasaksak sa iba-ibang bahagi ng katawan ng biktima dahilan upang magtamo ito ng mga sugat sa katawan.

Agad namang isinugod sa Ciriaco S. Tirol Hospital (CSTH) sa Boracay ang biktima na kalauna’y ipinadala din sa isang kilalang ospital sa Kalibo, Aklan, para sa karampatang lunas.

Ang nasabing suspek ay nasa kustudiya naman ng kapulisan sa Boracay

P80K Tinangay ng Magnanakaw sa May-ari

BORACAY, AKLAN—Hindi na matagpuan ang suspek na tumangay ng P80, 000 ng biktimang si Dennis Cabrera Y Aguerre, 44 anyos at residente ng Brgy. Manocmanoc. Kinilala ang suspek kay Jessel Sustodio, nasa tamang gulang, tubo ng Zarraga, Iloilo, at kasalukuyang nakatira sa parehong barangay ng biktima.

Ayon sa ulat ng biktima na ipinatala sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station, nangyari ang insidente Setyembre 9, 2014 sa nabanggit na lugar na tinitirahan ng dalawa. Sabi ng kanyang live-in partner, iniwan umano niya ang kanilang bahay ng hindi nagpaalam sa kanya at ayon pa rito ipinagkatiwala sa kanya ang nabanggit na halaga ng pera.


Gayunpaman, sa hindi nabanggit na paraan, tinangay ng suspek na si Jessel Sustudio ang pera na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin.

Friday, October 3, 2014

69 Pulis Matugumpay na Nagtapos sa Isinagawang TOPCOP Seminar sa Isla ng Boracay


Malugod na tinanggap ng 69 pulis ang kanilang katibayan ng pagtatapos at kanilang TOPCOP pin na iginawad sa kanila matapos ang aktibong pakikilahok sa isinagawang  Crisis Management and Tourist  Safety and Security Seminar for Tourist Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) Phase-2 sa Sea Wind resort sa Isla ng Boracay mula noong Miyerkules hanggang kahapon.

Ilang pulis na nagsipagtapos nagpakuha ng litrato kasama
sina P/Supt Angan (pangatlo mula kanan), at G. Corum (nakaputi)
at iba pang matataas na opisyal ng mga kapulisan.
Isinagawa ang pangwakas na seremonya ala-6 kahapon ng gabi. Sinimula nitosa isang panalangin na ibinigay ni Pastor Angelo T. Panganiban na kasamahan din natin ditosa Radio Birada! Nagbigay naman ng salita ng panghihikayat si Ginoong Rene T. Corum, Supervising  Training Operation Officer ng Department of Tourism Region VI na isagawa ng mga nagsipagtapos ang mga pagsasanay na natutuhan sa seminar. Malugod namang ipinakilala ni  P/Supt. Aden T. Lagradante, Asst. Provincial Director for Admin Aklan PPO, ang mga magsisipagtapos.

Pinangunahan naman ni P/Supt. Josephus G. Angan, Regional Director PRO6 ang paggawad ng certificate sa mga kapulisan kasama si G. Corum. Pagkatapos nito ay nagbigay ng impresiyon si PC/Insp. Ferjen Torred na marami silang natutunang bago sa seminar na ito. Sabi pa niya “Sa 20 taon kong paglilingkod bilang pulis, hindi pa ako nakaranas ng ganitong uri ng seminar. Ito ang kauna-unahan.”
Isinuot naman ng mga nagsitapos ang TOPCOP pin sa kanilang uniporme patibay nasila ay Tourist-Oriented na mga pulis. 

Nagtapos ang programa sa maikling mensahe ni P/Supt. Angan na nanghikayat sa mga kapulisan na magkaroon ng mataas na pamantayan sa kabila ng maugong na isyu sa mga tiwaling kapulisan.
Sa eksklusibong panayam ng inyong lingkod kay P/Supt Angan mariin nitong pinabulaanan ang pahayag ng pamahalaang Tsina nais ang ma panganib nalugar angPilipinas. 

Ang TOPCOP ay programang inulunsad sa pakikipagtulungan ng DOT at PNP.


Wednesday, October 1, 2014

Lalake Binugbog Umano ng Sampung Kalalakihan, Sugatan

Pinagbubog ng mahigit-kumulang sampung kalalakihan ang isang lalake sa So. Tulubhan, Brgy. Manocmanoc, Boracy, Aklan. Kinilala ang biktima na si Barry Montoya, 27 anyos.

Kinilala naman ang dalawa sa mga suspek na sina Mark Enrique at Nico Bandiola.

Ayon sa biktima, habang naglalakad ito papuntang boarding house niya ay bigla na lamang siyang nilapitan ng mga suspek at binugbog, tinamaan sa iba-ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan na nagtamo ito ng mga sugat.


Nasa ilalaim pa ng follow-up investigation pa ng mga kapulisan ang nasbing kaso na ipinatala ng biktima sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Dalawang Lalake Biktima ng Estafa sa Isla ng Boracay

Dumulog sa Boracy Tourist Assistance Center (BTAC) sina Jimnel Zamora, 42 anyos, at Erwin Asiong, 27, mga tubo ng Libacao, Aklan, ito ay matapos mapag-alamang nabiktima sila ng estafa ng isang Greg.

Ayon sa ulat ng mga biktima, ibinigay ni Jimnel Zamora ang kanyang Brgy. Clearance, OR/CR ng kanilang mga motorsiklo, at SSS ID, at pera na nagkakahalaga ng P1,100.00 sa nabanggit na suspek samantalang si Erwin Asiong ay nagbigay din ng kanyang Motorcyle Delivery Receipt, TIN ID at pera rin na kasinhalaga ng nauna sa suspek para sana sa permisong makapagbiyahe ng motorsiklo. 

Nangako naman ang suspek na ibibigay ang mga permit sa kanila October 1, 2014.


Gayunpaman hindi na nagpakita pa ang suspek at hindi narin makontak sa kanyang cellphone.

Biyenang Lalake Pinagbantaan ang Manugang na Lalake

Pinagbantaan ni Pascual Baylon, ang manugang nitong lalake na si Raymund Suarez, 26 anyos, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Aklan, sa pag-uusap nila sa cellphone.

Nang tumawag ang lalake sa kanyang asawa sa Brgy. Laguinbanwa West, Numancia, Aklan, nagulat na lamang ito nang ang biyenan nitong lalake ang sumagot. Ninais nang nasabing biyenan na makausap ang nanay ng lalake. Habang nasa gayoong pag-uusap, nagbitaw ng mga pagbabantang mga salita ang suspek sa lalake at pinagbawalang bisitahin ang asawa nitong buntis sa nabanggit na lugar.


Minabuti namang ipina-blotter ng biktima ang nasabing pagbabanta sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Dishwasher na Magnanakaw, Huli

Huli sa akto ang isang dishwasher na kinilala kay Junar Nico, 22 taon-gulang, nang nakawin ang isang bag ng biktima na si Nonamie Berlandino, 21 taon-gulang, sa Station 2 Boracay, Aklan.

Ayon sa imbestigasyon, habang ang biktima ay nasa loob ng isang bar sa nabanggit na lugar iniwan nito ang kanyang bag sa mesa at sumayaw. Samantala, ang nabanggit na suspek ay bigla na lamang lumapit at kinuha ang bag. Gayun paman, kitang-kita ni Mary Rose Manila ang  
tangkang pagnakaw ng suspek sa bag ng biktima.

Naglalaman ang bag ng P2,000, cellphone, at earphone. Agad naman itong naibalik sa biktima.


Pagkatapos ay hinuli ng bouncer ang suspek at dinala sa Boracy Tourist Assistance Center (BTAC) para sa kaukulang pagsasaayos.